Marcos: Dead, not gone” was first published in the Philippine Daily Inquirer on Nov. 28, 2015 (Pilipino version: “Marcos: Patay na’y natiro pa“)

Past is past, Bongbong says of dark Marcos years.” This Inquirer headline (10/22/15) recalls novelist William Faulkner’s oft-quoted statement: “The past is not dead. It is not even past.”

The announcement early this week by Christie’s, the jewelry auction house, illustrated Faulkner’s point. Christie’s discovered that an item described as “loose crystal” among over 700 pieces of jewelry left behind by the Marcoses in their flight to Hawaii was actually an “extremely rare” pink diamond believed to belong to a Mogul emperor. The entire Marcos jewelry collection was initially valued in 1991 at between $5 million and $8 million. Christie’s estimated the Mogul diamond alone as worth $5 million.

This reminder of martial law plunder rebuts Sen. Bongbong Marcos’ insistence that Filipinos should just leave the Marcos legacy to discussions among “historical analysts.” Current concerns, such as the deterioration of the educational system, domestic insurgencies, and impunity, have deep roots in the Marcos past. Historians will study the past to illuminate the problems of the present and the options for the future.

US President Barack Obama used the Faulkner quote to remind Americans that the current crises in the black community can be traced back to inequalities suffered by earlier generations under the brutal legacy of slavery. The current violence in the United States arising from race relations cannot be understood or effectively addressed without understanding its historical context. The history of human rights violations during the Marcos regime is not of the same scale and duration as those suffered by the American black community. But it requires the same comprehension of context.

Millennials may have forgotten, if they ever learned, the costs and consequences of martial law. Their elders, who lived through this not-so-distant historical period, have not. Bongbong still has to deal with living victims of the Marcos legacy, whose demand for justice remains unfulfilled.

I do not believe that the sins of the father should necessarily and permanently burden the son. Bongbong could have unloaded the weight of the martial law legacy off his back. There are two conditions. The first is if he had quietly retired from public life, if he had stayed in Honolulu and mastered, say, surfboard riding skills or whatever, instead of pursuing political office and lobbying for the interment of his father at the Libingan ng mga Bayani.

The second, more onerous, condition requires a public act of contrition for the damage done by martial law to the Filipinos and the Philippines. Bongbong could probably have mustered the right words for this purpose, if he so wished. But confession and contrition will not be credible without compensation. Atonement must include the return of the plundered wealth.

The recently released autobiography of Jose Almonte, a key figure in the failed RAM (Reform the Armed Forces Movement) coup attempt against Ferdinand Marcos in 1986 and the national security adviser during the Ramos administration, renewed public interest in martial law issues. But the focus centered on whether the RAM plan envisioned the killing of Marcos and the members of his family.

Almonte’s involvement in what he called the “Great Chase” for the wealth plundered by the Marcoses drew little attention then. In the course of this chase, Almonte visited the Marcoses in Honolulu. By his account, it was Bongbong Marcos who conducted the conversations, on pay phones (to avoid “bugging”), with the Marcos Swiss bank liaison. Bongbong provided him: the identity of the account manager of the Marcos deposits, a senior VP of Credit Suisse; a letter of authorization to deal with the transfer of funds from Switzerland to a bank in Vienna; and $300,000. In traveler’s checks.

Almonte’s account is rich in details that the Marcoses have not contested. Bongbong’s advice to leave the past to historians and move on is sickeningly self-serving in evading the issue of restitution. He has to justify why Filipinos should allow his family to keep $6 billion or more in plundered wealth. For Filipino voters, this should be an election issue.

Bongbong’s prescription of “forget and move on” — not “forgive and forget,” because he has never asked for forgiveness — becomes deeply divisive because it exploits ethnic fault lines. He is counting on the family’s Ilocano connections in the allegedly solid Ilocano North to ignore the past. Although the region clearly benefited from martial law, its list of victims also includes ethnic Ilocanos from all over the country.

Forgetting the past is not a healing strategy that can unify countries which have experienced extended violent communal conflicts, especially those provoked by religious, ethnic, or ideological divisions. The protagonists nurture the memory of their grievances. The conflict between Catholics and Protestants in Northern Ireland had roots in the 17th century.

The historical experience of Ireland, South Africa, Chile and Argentina tells us that reconciliation — the key to national unity — requires truth-telling, contrition and reparation. Amnesia is not the antidote.

—-

MARCOS: PATAY NA’Y NARITO PA

“Nakalipas na ang nakalipas, ang sabi ni Bongbong tungkol sa madidilim na taon ni Marcos.” Ipinaaalala ng headline na ito ng PDI (10/22/15) ang madalas na sipiing pahayag ni William Faulkner sa nobela niyang lumabas noong 1951, Requiem for a Nun (Pahimakas sa Isang Madre): “Hindi patay ang nakalipas. Ni hindi ito nakalipas.” O, sa pinakahuling pelikulang James Bond, buhay ang mga patay at bumabalik ang nakalipas.

Ang paggigiit ni Bongbong na dapat na nating kalimutan ang pamana ng batas militar at ng pamumunong autokratiko ni Marcos ay hindi matatanggap ng mga “manunuri ng kasaysayan”, na siyang nais niyang magkubli ng usaping ito. Hindi maiiwasan na iugnay nila ito sa mga pinagkakaabalahan ngayon, tulad ng paglubha ng sistema ng edukasyon, mga paghihimagsik sa ating bansa, at mga maling di-pinagbabayaran (di-nasisingil), na nakaugat nang malalim sa nakalipas na panahon ni Marcos. Sinusuri nila ang nakalipas para maliwanagan ang mga problema ng kasalukuyan at ang mga magagawa sa kinabukasan.

Ginamit ni Barack Obama ang sipi mula kay Faulkner upang ipaalala sa bansa na ang kasalukuyang krisis sa komunidad na Aprikano-Amerikano ay matutunton sa kawalan ng katarungang dinanas ng mga naunang henerasyon sa ilalim ng malupit na pamana ng pang-aalipin. Hindi mauunawaan ni matutugunan ang karahasan ngayon sa Estados Unidos bunga ng ugnayan ng mga lahi nang hindi nauunawaan ang konteksto nito sa kasaysayan.

Ang kasaysayan ng paglabag sa karapatang pantao noong Rehimeng Marcos ay hindi kasing-bigat ni kasing-tagal ng pinagdusahan ng mga biktima ng pang-aalipin at institusyunal na diskriminasyong ipinataw sa kumunidad na itim pagkatapos ng Giyera-Sibil sa Amerika. Ngunit hinihingi nito ang ganoon ding pag-unawa sa konsteksto.

Maaring nalimutan na, kung napag-aralan man nila, ng mga kabataan ngayon ang mga ibinunga at mga pinsalang dulot ng Batas Militar, ang mga ito’y hindi pa lubusang kumukupas sa alaala ng mga nakatatandang nabuhay noong hindi pa ganoong kalayong yugto ng kasaysayan. Dapat pa ring harapin ni Bongbong ang mga tuwirang biktima ng pamana ni Marcos, na ang hinihinging katarungan ay hindi pa rin nakakakamtan.

Hindi ako naniniwala na ang mga kasalanan ng ama ay dapat maging pabigat nang walang-hanggan sa anak. Naiangat sana ni Bongbong mula sa kanyang balikat ang bigat ng pamana ng Batas Militar: una, kung tahimik lamang siyang nagretiro mula sa buhay-publiko. Kung nanatili siya sa Honolulu at nagpakadalubhasa sa, halimbawa, pagsakay sa surfboards, o sa anupaman, sa halip na tumakbo sa eleksiyon at ikampanya ang paglilibing ng kayang ama sa Libingan ng Mga Bayani, nakaligtas sana siya sa kasawiang ito.

Hindi pa iyon sapat. Ang ikalawa, at mas mabigat, na kondisyon ay humihingi ng pagsisisi at paghingi ng tawad sa madla para sa pinansalang idinulot ng Batas Militar sa bansa at mga mamamayan nito. Malamang na kayang tipunin ni Bongbong ang mga tamang salita para gawin ito, kung nanaisin niya. Pero hindi kapani-paniwala ang pag-amin at paghingi ng tawad kung walang bayad-pinsala. Kasama dapat ng pagsisisi ang pagbabalik ng ninakaw na yaman.

Ang talambuhay na sinulat ni Gen. Jose Almonte, isang mahalagang pinuno ng RAM (Reform the Armed Forces Movement) coup laban kay Ferdinand Marcos noong 1986 at ang National Security Adviser ng Administrasyong Ramos, ay tumawag ng malaking pansin nang ilathala ito ilang buwan na ang nakakaraan. Ngunit tumuon ang atensyon sa isyu kung bahagi ng plano ng RAM ang pagpatay kay Marcos at sa pamilya nito.

Hindi gaanong nakatawag-pansin noon ang papel ni Almonte sa “Malaking Paghabol”sa yamang ninakaw ng mga Marcos. Sa paghabol niya, binisita ni Almonte ang mga Marcos sa Honolulu. Ayon sa kanya mismo, si Bongbong Marcos ang nakipag-usap, sa mga pay phone (dahil sa takot na matiktikan), sa mga kaugnay ni Marcos sa Swiss bank. Ibinigay sa kanya ni Marcos: ang pangalan ng account manager ng mga deposito ni Marcos, isang senior VP ng Credit Suisse; isang letter of authorization para makipagnegosyasyon para sa paglilipat ng mga pondo mula sa Switzerland tungko sa isang bangko sa Vienna; at, US$ 300,000. na mga traveler’s check.

Ang maraming detalye ng salaysay ni Almonte ay hindi pa nahahamon at napasisinungalingan ng mga Marcos. Ang payo ni Bongbong na iwan na lamang sa mga historyador ang kasaysayan at sumulong na ay nakakasuka’t makasarili sa pag-iwas sa isyu ng pagbabayad-utang. Kailangan niyang maikatwiran kung bakit dapat siyang payagan ng mga Pilipino na patuloy na angkinin ang $6 na bilyon o higit pang nakaw na yaman.

Sa konteksto ng kampanya sa eleksyon, ang payo ni Bongbong na lumimot na’t sumulong – hindi “magpatawad at lumimot” kasi hindi siya kailanman humingi ng tawad—ay lumulikha ng malalim na pagwawatak-watak dahil sinasamantala nito ang mahunang ugnayan ng mga lahi. Inaasahan niya ang koneksyon ng kanyang pamilya sa itinuturing na buung-buong Norte para bale-walain ang nakalipas. Kahit malinaw na nabiyayaan ng Batas Militar ang rehiyong ito—dito makikita ang ipinagmamalaki ni Bongbong na umunlad na inprakstura—kabilang sa listahan ng mga biktima ng Batas Militar ang mga taal na Ilocano mula sa buong bansa.

Oo nga’t hindi natin napapahalagahan nang lubusan ang ating kasaysayan, at isinusulong nang ganito ang di-pagbabayad (pagsingil) sa pagkakamali. Ang pagkalimot na ipinapayo ni Bongbong bilang paraan ng pagtingin sa nakalipas, ay hindi rin makakahilom ni makapag-iisa sa mga bansang nakaranas ng mahaba’t marahas na tunggalian, lalo na iyong sangkot ang relihiyon, lahi, o ideolohiya. Nakaugat sa ika-17 siglo ang tunggalian ng mga Katoliko at Protestante sa Hilagang Ireland.

Ipinamamalas sa atin ng kasalukayang karanasan ng Timog Aprila, Chile, at Argentina na ang pagkakasundu-sundo at pagpapatawad—ang susi sa pagkakaisa ng bansa—ay himihingi ng paglalahad ng katotohanan, pagsisisi, at pagbabayad-pinsala. Hindi lunas ang paglimot.#####

Edilberto de Jesus
Edilberto de Jesus is a former Secretary of Education. He is also professor emeritus at the Asian Institute of Management.