The Enrile legacy?” was first published in the Philippine Daily Inquirer on Sept. 6, 2013 (Pilipino version: “Ang pamana ni Senador Juan Ponce Enrile?“)

Senator Juan Ponce Enrile (JPE) achieved a moment of historical redemption for his role in the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona. A short one. He overreached by trying to rewrite history in his autobiography, which only underlined his complicity in the martial law regime.

Entanglement in the pork barrel scam (PBS) poses an even more devastating blow to his reputation. After weeks of silence, he denied involvement in the PBS at a press conference on Aug. 23 and, according to the media, declared his willingness to be investigated and prosecuted, “if only to clear my name.”

This posture contrasts favorably with the initial statements made by Sen. Bong Revilla, who dismissed the charges against him as politically inspired, and by Sen. Jinggoy Estrada, who disclaimed responsibility for monitoring the use of his Priority Development Assistance Fund. JPE has a longer, more prominent, political record to protect and, at 89, fewer opportunities to overcome any further damage to his image.

We should all understand and appreciate, therefore, his overriding concern for how he will be remembered: “If I were to choose something of value to leave to my family when I depart from this world, I would choose to leave honor and a good name, nothing else.”  How can JPE achieve this admirable goal?

First, JPE must avoid statements that the public may perceive as nitpicking, lawyerly tricks. He claimed, for instance, that special allotment release orders attributed to him P325 million that actually went to other legislators. He did not address the balance of over P300 million released from his PDAF, an amount that qualifies as plunder.

Second, JPE must set meaningful standards against which to be measured. He had said, “Probably, I will inhibit myself [from any Senate investigation] so that they will not say that I will influence the proceeding.” Jinggoy Estrada has already taken this step, which their situation, in any case, should compel.

Neither will people find impressive his declared readiness “to be investigated by my peers because that is a constitutional mandate.” The public is unlikely to award mileage points for a senator’s compliance with a constitutional obligation.

The bigger problem stems from the stunning scale of the pork barrel corruption and the palpable rage it has aroused across the country. An affirmation of his integrity by his “peers,” presumably his fellow senators, will not repair his tarnished reputation. With about half of its membership mentioned as possibly implicated in the PBS, the Senate can credibly convict JPE but has lost the moral authority to pronounce him innocent. JPE must find vindication in a less tainted forum.

His willingness “to surrender my wealth and that of my family if it [is] proven that the funds went to my own pocket” sets too low a hurdle. If convicted, JPE would be required to return the loot and to submit to the sanctions imposed on the crime.

While whistle-blowers have reported delivering money to JPE’s staff, tracing the flow of PDAF funds to his own accounts will not be easy. But lack of this evidence would not excuse JPE from culpability. Even if he did not take the money for himself, he would still be accountable for the use of the public funds entrusted to his care.

Legislators apparently enjoy the prerogative of determining what PDAF programs to support and which nongovernment organizations to assist in their implementation. JPE reportedly channeled his funds to Janet Napoles’ NGOs and to other NGOs suspected as equally spurious. He has to explain why he chose these NGOs and what these NGOs accomplished.

Finally, JPE can help protect his legacy by collaborating with the Aquino administration in exposing the ways in which the PDAF program has been abused. He can volunteer to be the first to submit to official investigation.

With all the years he has spent in the corridors of power, JPE should have much information about where bones are buried. He hinted, for instance, at leakages in the P70-billion allocation for the legislators’ infrastructure projects under the VILP (Various Infrastructure Including Local Projects).

Perhaps JPE has enough fuel in the tank to document what he knows about the systematic plunder of public resources in Congress. He would render a signal service to the country by helping to identify the weaknesses of the governance system and the parties who should be investigated for exploiting them. This contribution would be comparable, both in terms of risks and impact, to his repudiation of Ferdinand Marcos in 1986.

The media have reported much speculation about whether Napoles should be invited to turn state witness. Perhaps that privilege should be offered instead to JPE to give him, perhaps, a final chance to redeem his name. Even when crucified, the Good Thief still managed to steal Paradise.

—–

ANONG PAMANA NI SENADOR JUAN PONCE ENRILE?

Ang kaniyang papel sa impeachment trial ni Punong Mahistrado Renato Corona ay nagbigay kay Senador Juan Ponce Enrile (JPE)  ng isang sandali ng makasaysayang katubusan.  Maikli lamang.  Sumobra ang paghahangad niya nang sikapin niyang baguhin ang kasaysayan sa kanyang talambuhay.  Lalo lamang itong nagdiin sa kaniyang pakikisangkot sa rehimen ng batas militar.

Ang kaugnayan sa pork barrel scam (PBS) ay nagbabanta ng higit pang pagyurak sa kanyang reputasyon.  Pagkaraan ng ilang linggo ng pananahimik, itinanggi niya ang pakikisangkot sa PBS sa isang press conference noong Agosto 23 at, ayon sa media, inihayag ang pagsang-ayon niyang maimbistigahan at malitis, “para lamang malinis ang pangalan ko.”

Ang tayong ito ay mainam na taliwas sa mga unang pahayag ni Sen. Bong Revilla, na ipinagwalang-bahala at tinawag ang mga paratang sa kanya na bunga lamang ng pulitika, at ni Sen. Jinggoy Estrada, na itinanggi ang pananagutan sa pagmomonitor ng paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund.  Mas mahaba, at mas prominente, ang rekord sa pulitika na dapat pangalagaan ni JPE at, sa edad na 89, mas kaunti ang pagkakataong  malampasan ang anupamang pagwasak ng kanyang imahen.

Dapat nating lahat na unawain at pahalagahan, kung gayon, ang matindi niyang pag-aalala sa kung paano siya gugunitain:  “Kung papipiliin ako nang anumang mahalagang iiwan  ko sa aking pamilya paglisan ko sa mundong ito, pipiliin kong mag-iwan ng dangal at mabuting pangalan, wala nang iba pa.”  Paano maaabot ni JPE ang kahanga-hangang layuning ito?

Una, dapat iwasan ni JPE ang mga pahayag na makikta ng madla bilang pagbubusisi at paglalaro ng isang abugado.  Iginiit niya, halimbawa, na ipinaratang na napasakanya ang P325 milyong special allotment release orders na talaga namang napunta sa ibang mambabatas.  Wala siyang sinabi tungkol sa balanseng mahigit pa sa P300 milyon na inilabas mula sa kanyang PDAF, halagang maituturing nang pandarambong (plunder).

Pangalawa, dapat magtakda si JPE ng mga makabuluhang pamantayan na mapagsusukatan.  Sinabi na niya, “Marahil ay hindi ako makikibahagi [sa anumang imbestigasyon ng Senado] upang hindi nila masabi na maiimpluwensiyahan ko ang magaganap.”  Ginawa na ni Jinggoy Estrada ang hakbang na ito, na sa anumang kaso ay hinihingi ng kanilang kalagayan.

Hindi rin hahangaan ng mga tao ang ipinahayag niyang kahandaan “na maimbistiga ng aking mga kapantay dahil utos ito ng saligang-batas.”  Malamang na hindi makakapuntos sa madla ang senador na sumusunod lamang sa obligasyong takda ng saligang batas.

Ang mas malaking problema ay nagmumula sa kagulat-gulat na lawak at laki ng korupsiyon sa pork barrel at ang malinaw na galit na napukaw nito sa buong bansa.  Ang pagpapatatag ng kanyang integridad ng kanyang mga “kapantay”, maipagpapalagay na mga kapwa niya senador, ay hindi makakakumpuni sa nabahiran na niyang reputasyon.  Dahil mga kalahati na ng mga miyembro nito ang nabanggit na maiuugnay sa PBS, maaaring paniwalaan ang paghatol nito na maysala si JPE pero nawalan na ito ng autoridad na moral na maipahayag siyang walang-sala.  Dapat makahanap si JPE ng lupong walang-bahid para tunay na malinis ang kanyang pangalan.

Napakadali namang hamon ang alok niyang “isuko ang yaman ko at ng aking pamilya kung mapatutunayang sa bulsa ko napunta ang mga pondo.”  Kung mapatutunayang maysala siya, kakailanganin naman niya talagang isauli ang ninakaw at mapasailalim sa mga parusang itinakda para sa krimeng iyon.

Samantalang sinabi na ng mga whistle-blower na naghatid sila ng pera sa mga kawani ni JPE, hindi madaling matunton kung napunta nga sa sarili niyang bulsa ang mga pondong PDAF.  Ngunit hindi mabubura ang pananagutan ni JPE ng kakulangang ito ng ebidensiya.  Kahit hindi niya ibinulsa ang ang pera, dapat pa rin niyang panagutan at ipaliwanag kung paano ginamit ang pondong pampubliko na ipinagkatiwala sa kanya.

Mukhang nakalagak sa bawat mambabatas ang pagpapasya kung anong mga programang PDAF ang susuportahan at kung anu-anong non-government organization ang tutulungan sa implementasyon.  Iniulat na ibinigay ni JPE ang mga pondo niya sa mga NGO ni Janet Napoles at sa iba pang NGO na pinaghihinalaang kasing-kaduda-duda.  Dapat niyang ipaliwanag kung bakit niya pinili ang mga NGO na ito at kung ano ang kanilang nagawa.

Sa huli, matutulungan ni JPE na mapangalagaan ang kanyang reputasyon sa pamamagitan ng pakikapagtulungan sa administrasyong Aquino sa pagbubunyag ng mga paraan kung paano naabuso ang programang PDAF.  Maari siyang magkusang maunang magpaimbistega nang opisyal.

Sa napakaraming taon niya sa larangan ng kapangyarihan, marami na dapat impormasyon si JPE kung saan nakalibing ang mga kalansay.  Ipinahiwatig niya, halimbawa, na may mga butas sa P70-bilyong alokasyon para sa mga proyektong inprastruktura ng mga mambabatas sa ilalim ng VILP (Various Infrastructure Including Local Projects).

Marahil ay may sapat pang gasolina sa tanke si JPE para maidokumento ang nalalaman niya tungkol sa sistematikong pandarambong ng mga pondong pampubliko sa Kongreso.  Makapaghahandog siya ng malaking serbisyo sa bansa sa pamamagitan ng pagtulong na kilalanin ang mga kahinaan ng sistema ng gobyerno at ang mga dapat maimbistigahan sa pansasamantala nang mga ito.  Ang kontribusyong ito ay maihahambing, kapwa sa panganib at bisa, sa kanyang pagtalikod kay Ferdinand Marcos noong 1986.

Marami nang haka-haka ang midya  kung dapat maimbita si Napoles na maging saksi para sa estado (state witness).  Siguro, dapat kay Enrile ialok ang pribilehiyong ito para mabigyan siya, marahil, ng huling pagkakataon para maisalba ang kanyang pangalan.  Kahit nakapako na, nagawa pa rin ng Mabuting Magnanakaw na nakawin ang Paraiso. #####

Edilberto de Jesus
Edilberto de Jesus is a former Secretary of Education. He is also professor emeritus at the Asian Institute of Management.