A Gall Meter” was first published in the Philippine Daily Inquirer on March 5, 2016 (Pilipino version: “Sukatan ng tapang ng apog“)

Davao Mayor Rodrigo Duterte sharply rebuffed the idea that presidential candidates should disclose their medical condition: “I won’t reveal my medical records. Ano ako, tanga (Am I stupid)?

Whatever malady Duterte may be suffering from, it is unlikely to be hoof-in-mouth disease. His comments, however provocative, do not appear to come from slip of tongue or mind; they seem intentionally spoken for effect.

Duterte’s response implied that voters were tanga to expect him to reveal any infirmity. But he has discovered that such comments do not invite censure; they attract amusement, media coverage, and free advertising. His approach is not likely to change. Behavior that is rewarded tends to be repeated.

Duterte is not alone in scattering sound bites that insult the electorate. With weeks of campaigning to endure, we can expect more outrageous comments directly from candidates or exposed by their critics. I propose a Gall Meter to rate which candidates produce the most galling statements that provoke among the public the sharpest spike in blood pressure or acid reflux pain.

The commemoration of the 30th anniversary of Edsa I gave ample opportunity to score on the Gall Meter. Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. did not disappoint. Responding to P-Noy’s remarks on EDSA I, Bongbong said: “Let the people judge who did something for the people, things that we still enjoy up to now …”

The statement reverts to Bongbong’s repeated claim that the reign of Ferdinand Marcos marked a golden age for the Philippines, which was lately challenged by the Ateneo de Manila faculty. The statement would actually be accurate if, by “people” and “we,” Bongbong meant the Marcos family. The conservative estimate of the wealth plundered by Ferdinand Marcos ran to at least $10 billion, less than half of which has been recovered.

In his memoir, Gen. Jose Almonte narrated how Bongbong, using public phones to guard against wiretaps, gave instructions to the Swiss bank where the plunder had been deposited. At the launch last week of “Never Again,” Raissa Robles’ book on martial law, former senator Rene Saguisag reminded the audience that Ferdinand and Imelda Marcos opened their Swiss bank accounts under the names of William Saunders and Jane Ryan in 1968, when Marcos had not yet completed his first presidential term—proof of proactive planning for plunder.

Raissa Robles also alluded to instructions from Marcos for his wealth to pass on to his children in equal portions. Sen. Alan Cayetano could thus challenge Bongbong to skip any apology to the victims of martial law—just return the money.

Especially when juxtaposed with his recent statement that “wala naman kaming sinasabi na hindi totoo (we have not lied),” an earlier Bongbong comment, retrieved by Robles, merits a perfect Gall Meter 10: “Some of the people who are claiming to be human rights victims have never been victims except [of] their own greed.” Aside from repeating his assertion of zero human rights violations during the Marcos regime, in “blaming the victim,” Bongbong also adds insult to injury.

Sen. Gregorio “Gringo” Honasan contributes a quote that arguably deserves an equal score: “When I worked as a soldier and comparing their first six years, Marcos [vs. Cory Aquino] was the better president.” A 1971 Philippine Military Academy graduate, Honasan must be comparing the first six years of martial law, after Marcos had already served as president for eight years, with Cory Aquino’s term from 1986 to 1992. Honasan excluded from his review the latter years of the Marcos regime, which he reportedly recognized as “a time marred by deaths, torture, disappearances, cronyism and the loss of civil liberties.”

This careful distinction projects Honasan’s observation as the clinical, academic judgment of a governance expert—except that Honasan was a player, and not a detached, neutral observer, in the period he analyzes. He was a faithful soldier of Marcos in the early years of martial law and the leader of violent coup attempts against the Cory administration. And he has the gall to critique Cory for being, tsk, tsk, less effective than Marcos?

At one of the rallies leading to EDSA II, I remember a RAM (Reform the Armed Forces Movement) leader admitting that the attempt to overthrow the Cory administration was wrong. For his involvement in the 2003 Oakwood Mutiny, in which Honasan was also implicated, Sen. Antonio Trillanes served over seven years in jail. I do not recall Honasan even expressing regret at how his failed but bloody coup attempts derailed the country’s development trajectory.

We cannot prevent politicians and pundits from making brazen statements outrageous in their cynicism. But we can at least record their utterances and judge who has the lowest opinion of, and the highest contempt for, the Filipino voter.

Send in your nominations!

—–

SUKATAN NG TAPANG NG APOG

Mariing tinanggihan ng dating alkalde ng Davao na si Rodrigo Duterte ang mungkahi na dapat isiwalat ng mga kandidato sa pagka-presidente ang lagay ng kanilang kalusugan. “Hindi ko isisiwalat ang medical record ko. Ano ako, tanga?”

Anumang karamdaman ang maaring binabata ni Duterte ngayon, malamang na wala iyong kinalaman sa kanyang bunganga. Gaano man katawa-tawa ang mga sinasabi niya, tila hindi ito mula sa kapabayaan ng kanyang bibig o isip; tila sadyang sinabi ang mga ito para magkaroon ng dating.

Ipinahihiwatig ng sagot ni Duterte na tanga ang mga botante kung aasa silang magsiwalat siya ng anumang sakit. Pero natuklasan na niya na ang mga salitang tulad noon ay hindi nag-aanyaya ng batikos; umaakit ang mga ito ng katuwaan, tuon ng midya, at libreng patalastas. Kung gayon, malamang na hindi magbabago ang paraan niya. Ang kilos na ginagantimpalaan ay malamang na ulit-ulitin.

Hindi nag-iisa si Duterte sa pagkakalat ng mga pananalitang nakakainsulto sa mga botante. Ngayong maraming lingo pa ng pangangampanya ang ating titiisin, maaasahan natin ang marami pang katawa-tawang pananalita mula sa mga kandidato, tuwiran man o isiniwalat ng kanilang mga kritiko. Iminumungkahi ko ang Sukatan ng Tapang ng Apog para makita ng mga mambabasa kung sinu-sinong kandidato ang pinakamatatapang ang apog.

Ang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng EDSA ay nagbigay kay Sen. Bongbong Marcos ng sapat na pagkakataong maiskoran sa Sukatan ng Tapang ng Apog, at hindi niya tayo binigo. Bilang tugon sa mga pahayag ni Pnoy tungkol sa EDSA, ang sabi ni Bongbong: “Hayaaang ang mga mamamayan ang maghusga kung sino ang may nagawa para sa mga tao, mga bagay na tinatamasa pa natin hanggang ngayon…”

Tinutukoy ng pahayag na ito ang paulit-ulit na giit ni Bongbong na ang paghahari ni Ferdinand Marcos ay ginintuang yugto para sa Pilipinas. Tumpak ang pahayag kung ang tinutukoy ni Bongbong sa “mga tao” at “natin” ay ang Pamilyang Marcos. Ang pinakamababang taya ng yamang ninakaw ni Ferdinand Marcos ay hindi bababa sa 10 bilyong US dollars, at wala pa sa kalahati nito ang nababawi.

Sa kanyang talambuhay, isinalaysay ni Gen. Jose Almonte kung paano si Bongbong, gamit ang mga teleponong pampubliko para maiwasan ang wire-taps, nagbigay ng mga instruksyon sa Swiss bank na pinagdepositohan ng mga ninakaw. Sa paglulunsad nitong nakaraang linggo ng Never Again, ang libro ni Raissa Robles tungkol sa batas militar, ipinaalala ni dating Senador Rene Saguisag sa mga dumalo na binuksan nina Ferdinand at Imelda ang kanilang mga Swiss bank accounts gamit ang mga pangalang William Saunders at Jane Ryan noong 1968, nang hindi pa natatapos ni Marcos ang unang termino niya bilang pangulo—patunay na masigasig ang balak nilang magnakaw.

Binanggit din ni Raissa Robles and habilin in Marcos na ang kaniyang yaman ay ibahagi ng pantay-pantay sa kaniyang mga anak. Kaya hinamon siya ni Sen. Alan Cayetano na huwag ng humingi ng patawad sa mga biktima—isauli na lang ang pera.

Lalo na kung ihahambing sa kaniyang binigkas kamakailan lang—“wala naman kaming sinasabi na hindi totoo”—ang sinabi ni Bongbong, na nakuha ni Robles noong 1999, ay nagbibigay sa kanya ng perpektong iskor na 10 sa Sukatan ng Tapang ng Apog: “Ang ilan sa mga taong naggigiit na biktima sila ng paglabag sa karapatang pantao ay hindi kailanman naging biktima, maliban ng kanilang sariling kasakiman.” Hindi lamang inuulit ng pahayag na ito ang giit ni Bongbong na walang paglabag sa karapatang pantao noong rehimeng Marcos, ngunit inaasnan pa nito ang sugat sa isang klasikong halimbawa ng “pagsisi sa biktima.”

Ambag naman ni Sen Gregorio “Gringo” Honasan ang pananalitang maituturing na kapantay ng iskor ni Marcos: “Noong sundalo pa ako at kung paghahambingin ko ang unang anim nilang taon, si Marcos [sa halip na si Cory Aquino] ang mas mabuting presidente.” Dahil nagtapos siya sa Philippine Military Academy noong 1971, malinaw na inihahambing ni Honasan ang unang anim na taon ng Batas Militar, pagkaraang maging pangulo si Marcos nang walong taon, sa termino ni Cory Aquino noong 1986-92. Hindi isinama ni Honasan sa pagtatasa niya ang mga huling taon ng rehimeng Marcos, na kinilala niya, ayon sa ulat, na “panahong pininsala ng mga kamatayan, pagpapahirap, pagkawala, sabwatan, at pagyurak sa mga kalayaang sibil.”

Dahil sa masusing pag-iibang ito, nagmumukha itong obhetibo at akademikong paghuhusga ng isang eksperto sa pamamahala ng gobyerno. Pero kasangkot si Honasan, hindi tiwalag at walang-kinikilingang tagamasid ng yugtong sinusuri niya, at tila bulag siya sa ironiya ng kanyang paghuhusga. Isa siyang matapat na sundalo ni Marcos noong mga unang taon ng Batas Militar at siyang pinuno ang mga marahas na pagtatangkang magkudeta laban sa Pamahalaan ni Cory. At may tapang siya ng apog na pintasan si Cory bilang , tsk, tsk, hindi kasing epektibo ni Marcos?

Sa isa sa mga martsang tumuloy sa EDSA II, naaalala ko ang isang pinuno ng RAM (Reform the Armed Forces Movement) na umamin na nagkamali sila sa paglulunsad ng mga kudeta laban kay Cory. Para sa pagkasangkot niya sa Oakwood Mutiny noong 2003, na nasangkot rin si Honasan, nakulong nang mahigit na pitong taon si Sen. Antonio Trillanes. Hindi ko matandaan na si Honasan na nagpahayag man lamang ng pagsisisi na naantala ng kanyang nabigo ngunit madugong kudeta ang pagsulong ng kaunlaran ng bansa.

Hindi natin mapipigilan ang mga pulitiko at dalubhasa na sumambit ng sobrang tapang na mga salita, na katawa-tawa na sa kanilang pangungutya. Ngunit kahit paano’y maitatala natin ang kanilang mga kataga at mahuhusgahan kung sino sa kanila ang may pinakamababang pagtingin, at pinakasukdulang paghamak, sa botanteng Pilipino.

Ipaabot ninyo ang inyung boto! #####

Edilberto de Jesus
Edilberto de Jesus is a former Secretary of Education. He is also professor emeritus at the Asian Institute of Management.