Deadlocked over the dead” was first published in the Philippine Daily Inquirer on April 2, 2016 (Pilipino version: “Sukatan ng tapang ng apog“)

At their second debate, presidential candidates had to declare their stand on a policy issue– silently, by a simultaneous show of hands. On permitting the burial of Ferdinand Marcos in the Libingan ng Mga Bayani, Vice President Jojo Binay and Mayor Digong Duterte raised their hands in approval. Mar Roxas and Grace Poe did not.

The outcome was not surprising. Roxas probably shared and would respect PNoy’s opposition to a Libingan internment for Marcos. After the backlash against the suggestion that she was open to the idea, Poe backtracked and issued a clarification. Duterte had been open to taking Bongbong Marcos as his running mate.

Binay’s position requires some explanation. In 2011, PNoy asked Binay to make a recommendation on the issue. Binay said he surveyed the views of various sectors, including the political parties. None of the 130 Comelec-accredited parties responded. Binay did not reveal the results of the text and email survey, but offered a compromise: burial with full military honors, but not at the Libingan.

Not surprisingly, the compromise met with resistance. The historical record argued against burial with full military honors. In 1986, based on previously classified documents, the New York Times had already exposed Marcos’ claims of wartime heroism as “fraudulent,” “preposterous,” and “a malicious criminal act” Marcos declined invitations to respond to the story.

Marcos had asked for United States recognition of his Maharlika guerrilla unit, allegedly counting as many as 8300 members, to qualify him and his men for back-pay and benefits. U.S. Army Captain Ray C. Hunt, who directed guerrilla operations in Pangasinan Province, dismissed Marcos’ account of Maharlika exploits throughout Luzon as “a cock-and-bull story.” Investigators further concluded that a number of people claiming Maharlika membership engaged, not in combat, but in black-market sale of war commodities to the Japanese.

What then changed Binay’s mind in 2016? Forget the plunder charges against Binay, which precluded using Marcos’ own record of plunder as a reason against a Libingan burial. Prescind from calculations about the votes of Marcos followers. Allowed to explain his new stand, Binay would likely have echoed the Duterte’s rationale: the need to move beyond the Libingan issue to promote peace and unity in the country.

But elections magnify the cleavages created by conflicting political loyalties. Because of Bongbong Marcos’ attempt in his vice-presidential campaign to burnish the Marcos legacy, a Libingan burial will more likely divide than unite people. Bongbong had aggravated an already deep fracture in Philippine society arising from the Martial Law experience.

This fracture needs healing. But it cannot be mended by the band-aid of a lie. As in other countries devastated by periods of brutal authoritarian regimes, healing requires truth-telling

After seven years of military rule (1976-83), a restored democracy in Argentina established the National Commission on the Disappearance of Persons. Its 1984 report, Nunca Mas (Never Again), documented the abduction, torture and death of over 7000 individuals and estimated that nearly 9000 of the disappeared had yet to be found.

The 1991 Rettig Report of Chile’s National Commission for Truth and Reconciliation reviewed nearly 3000 cases of human rights violations during the military dictatorship of Augusto Pinochet (1973-1990). It recorded over a thousand known to have been killed outright by the regime and nearly an equal number arrested and “disappeared.”

The Commissions of both Chile and Argentina gave priority to truth-seeking. The Rettig Report affirmed that the nation’s “moral conscience” demanded the truth about the grave violations of human rights perpetrated by the military dictatorship as the necessary foundation “to meet the basic demands of justice and create the necessary conditions for achieving true national reconciliation.”

For Argentina, the truth was “an absolute, unrenounceable value.” To ensure that the country did not repeat the tragedy it had suffered, the people must clearly know what had happened that must never happen again. While the truth will not necessarily secure justice, it may end for many the continued injustice of “an anguishing, endless search” for the “disappeared.”

Marcos’ acclamation as a national hero with a Libingan burial would perpetuate the lies about the Marcos war exploits and Martial Law legacy that Bongbong Marcos now wants written into our history. The casualty count of Martial Law compares with the number lost in Chile and Argentina. But we have thus far failed to establish our Truth Commission—and, arguably, allowed an environment that tolerated continued human rights violations beyond Martial Law.

Bongbong has unwittingly performed a public service in compelling us to confront our past: to acknowledge that we have not yet really recognized the injustice suffered by the victims of Martial Law. Their bodies, not only that of Ferdinand Marcos, also await proper burial.#####

—–

TABLA SA TULIGSAAN TUNGKOL SA MGA BANGKAY

Sa ikalawa nilang debate, kinailangang ihayag ng mga kandidato sa pagkapangulo ang kanilang paninindigan sa isang isyu ng patakaran — tahimik, sa sabay-sabay na pagtataas ng kamay. Sa tanong kung pahihintulutan ang paglilibing kay Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, itinaas nina Bise Presidente Jojo Binay at Mayor Digong Duterte ang kanilang mga kamay para sumang-ayon. Hindi nagtaas ng kamay sina Mar Roxas at Grace Poe.

Hindi kataka-taka ang kinalabasang ito. Malamang na sang-ayon at gumagalang si Roxas sa pagtutol ni PNoy sa paglalagay kay Marcos sa Libingan. Pagkaraan ng mga pagtuligsa laban sa mungkahing bukas siya sa ideya, umatras si Poe at naglabas ng paglilinaw. Matagal nang bukas si Duterte na kuning kapareha sa pagtakbo si Bongbong Marcos.

Kailangan ng paliwanag ang posisyon ni Binay. Noong 2011, hiningan ni PNoy si Binay ng rekomendasyon tungkol sa usapin. Ayon kay Binay, tinanong niya ang iba’t ibang sektor, kabilang na ang mga partido politikal. Walang sumagot sa 130 partidong may akreditasyon ng Comelec. Hindi isiniwalat ni Binay ang mga resulta ng survey sa email at text, pero naghain siya ng kompromiso: paglilibing nang may ganap ng karangalang militar, pero hindi sa Libingan ng mga Bayani.

Hindi kataka-takang humarap ng pagtututol ang kompromiso. Laban ang mga tala ng kasaysayan sa ganap na karangalang militar. Noong 1986, batay sa mga naisapubliko nang mga dokumento, naibunyag na ng New York Times na “huwad,” “di-kapani-paniwala,” at “malisyosong krimen” ang paggigiit ni Marcos na bayani siya ng digmaan. Tumangging tumugon sa ulat si Marcos.

Humingi na si Marcos ng pagkilala ng Estados Unidos sa kanyang Maharlika guerilla unit, na diumano’y may 8300 na kasapi, upang makatanggap siya at ang kanyang mga kasama ng back-pay at mga benipisyo. Ayon kay US Army Captain Ray C. Hunt, ang mga kuwento ni Marcos tungkol sa mga pakikipagsapalaran ng Maharlika sa buong Luzon ay isang “cock-and-bull story” o malaking kasinungalingan. Kongklusyon din ng mga imbistigador na may mga taong naggigiit na kasapi sila ng Maharlika ang sangkot, hindi sa pakikipaglaban, kundi sa pagbebenta ng mga bilihin ng digmaan sa mga Hapon sa black market.

Ano kung ganoon ang dahilan ng pagbabago ng isip ni Binay nitong 2016? Kalimutan na ang mga bintang ng pagdarambong kay Binay, na tumataliwas sa paggamit sa rekord ng pandarambong ni Marcos na isang dahilan laban sa paglalagay sa kanya sa Libingan. Isaisantabi na ang kalkulasyon ng mga boto ng mga sumusuporta kay Marcos. Kung napayagan siyang ipaliwanag ang kanyang paninindigan, malamang na inulit ni Binay ang dahilan ni Duterte: ang pangangailangang lampasan na ang usapin ng Libingan para maitaguyod ang kapayapaan at pagkakaisa sa bansa.

Ngunit pinalalaki ng eleksiyon ang mga guwang na likha ng magkakasalungat na katapatang pulitikal. Dahil sa pagtatangka ni Bongbong Marcos sa kanyang kampanya sa pagkabise-presidente na pakintabin ang pamana ni Marcos, ang paglilibing sa Libingan ay mas malamang na humati kaysa sa magtipon sa mga mamamayan. Pinalubha na ni Bongbong ang malalim nang sugat sa lipunang Pilipino na bunga ng karanasan ng Batas Militar.

Kailangang mahilom ang sugat na ito. Ngunit hindi ito malulunasan ng band-aid na kasinungalingan. Tulad ng naganap sa ibang bansang nagdusa sa malulupit na rehimeng diktadurya, kinakailangan sa paghilom ang pagsasalaysay ng katotohanan.

Pagkaraan ng pitong taon ng pamumuno ng militar (1976-83), itinatatag ng naibalik na demokrasya sa Argentina ang Pambansang Komisyon sa Pagkawala ng mga Tao. Sa ulat nito noong 1984 na Nunca Mas (Hinding-hindi na Muli), idinukomento ang pagdukot, pagpapahirap, at pagpatay sa mahigit na 7000 tao at tinayang halos 9000 sa mga nawala ang hindi pa natatagpuan.

Ang Ulat na Rettig ng Pambansang Komisyon para sa Katotohanan at Pagkakasundo ng Chile ay sumuri ng halos 3000 kaso ng paglabag sa mga karapatang pantao sa diktaduryang militar ni Augusto Pinochet (1973-90). Naitala nito ang mahigit sa isang libong nalamang tahasang pinatay ng rehimen at halos ganoon ding bilang nga mga dinakip at “nawala”.

Ang mga Komisyon ng Chile at Argentina ay nagpahalaga, unang-una, sa paghahanap ng katotohanan. Idiniin ng Ulat Rettig na hinihingi ng “konsensiyang moral” ng bansa ang katotohanan tungkol sa malubhang paglabag sa mga karapatang pantao na ginawa ng diktaduryang militar na siyang kinakailangang batayan “upang matugunan ang pangunahing hinihingi ng katarungan at makalikha ng mga kinakailangang kondisyon para makamit ang tunay na pagkakasundo sa bansa.”

Para sa Argentina, ang katotohanan ay “likas na kinakailangan at di-maiwawaksing pagpapahalaga.” Upang matiyak na hindi na mauulit ng bansa ang trahedyang binata nito, dapat malaman nang malinaw ng mga tao kung ano ang nangyari na hinding-hindi na dapat mangyaring muli. Samantalang hindi tiyak na makapagdudulot ng katarungan ang katotohanan, maaari naman nitong tapusin para sa marami ang patuloy na kawalang-katarungan ng “napakahirap at walang-katapusang paghahanap” sa mga “nawala.”

Ang pagkilala kay Marcos bilang pambansang bayani sa pamamagitan ng libing sa Libingan ng mga Bayani ay magpapatuloy sa mga kasinungalingan tungkol sa mga pakikipagsapalaran ni Marcos sa digmaan at sa pamana ng Batas Militar na ngayo’y nais ni Bongbong Marcos na isulat sa ating kasaysayan. Ang mga biktima ng Batas Militar ay maihahambing sa bilang ng mga nawala sa Chile at Argentina. Ngunit hanggang ngayo’y hindi pa natin naitatatag ang ating Komisyon sa Katotohanan—at maikakatwiran na napahintulutan natin ang kapaligirang hindi tumutol sa patuloy na paglabag sa mga karapatang pantao pagkaraan ng Batas Militar.

Hindi sinasadyang nakagawa ng serbisyo publiko si Bongbong sa pamamagitan ng pagpilit sa atin na harapin ang ating nakalipas: ang tanggapin na hindi pa natin talaga kinikilala ang kawalang-katarungang pinagdusahan ng mga biktima ng Batas Militar. Ang mga bangkay nila, hindi lamang ang kay Ferdinand Marcos, ay naghihintay rin ng karapat-dapat na libing.#####

Edilberto de Jesus
Edilberto de Jesus is a former Secretary of Education. He is also professor emeritus at the Asian Institute of Management.