High hopes” was first published in the Philippine Daily Inquirer on July 2, 2016. (Pilipino version: “Matatayog na Pag-asa“)

Has the worm truly turned into a butterfly? The speech at the presidential inauguration hopefully heralds the beginning of the transformation: The candidate is working to become more presidential.

President Rodrigo Duterte’s election strategists had tapped into the rage repressed over decades of government failure to address basic needs. They stoked and fanned this anger to fever pitch by a campaign of calculated crudeness and verbal violence and turned it against political rivals, especially those in power, as the presumed sources of the current public misery, whose roots were actually planted well before their term.

The strategy succeeded brilliantly, mobilizing anonymous and unverified social media speculation to trump more rigorously-vetted social science research, projecting a sense of national crisis that demanded decisive strongman rule. This narrative baffled followers of Social Weather Stations (SWS) surveys, which reported positive approval scores for the overall performance of the administration and public morale never higher at the end of a presidential term.

The trash-talking, scorched-earth strategy, we were told, was devised only for the campaign. The authors recognized that what had proven emotionally effective for exciting and engaging voters can impede rational problem-solving, the crafting of public policies and the pursuit of good governance.
Now that he has claimed the big prize, Mr. Duterte can afford to manifest magnanimity; he no longer needs to carry such a big chip on his shoulder. Even those who have expressed grave reservations about a Duterte presidency fervently hope he will succeed. They know that the country can ill afford six years of drift or a risky rush into contentious political commitments.

Mr. Duterte assumes the presidency armed with advantages no president in recent memory has enjoyed. The broad popular support, reflected in the wide margin of victory, gives him an undisputed mandate to govern. This has also facilitated the formation of a compliant supermajority in Congress, with politicians taking the huge lead as the justification to switch parties.

Few in the incoming administration emphasize a third crucial advantage that Sonny Dominguez, appointed finance secretary, has recognized: Mr. Duterte is taking over a going concern. He inherits an economy that has averaged an annual GDP growth of 6.2 percent during the previous administration, the best performance in the region after China.

Much remains to be done, but objective observers acknowledge that the P-Noy administration made a start in addressing the concerns over systemic corruption in the bureaucracy that delayed the implementation of public-private projects. The public expects the Duterte administration to hit the ground running, especially since it does not lack projects that should gain the support of even the 60 percent of the electorate that did not vote for him.

The Duterte administration will have enough on its plate, after dealing with the inevitable complications of managing the transition period and getting its own bureaucracy up to speed. Electoral campaigns necessarily project black-and-white differences between candidates to distinguish more sharply one’s strengths from the frailties of the others. But there is enough convergence on governance goals between outgoing and incoming administrations. This should encourage Mr. Duterte to use whatever successes the previous administration may have achieved as a platform to accelerate the completion of what it had not been able to accomplish.

After six years of preparation, the K-to-12 program, a key advocacy of the P-Noy administration, needs continuing support. Whatever his initial misgivings, Mr. Duterte has accepted, after conducting consultations with its proponents and with the appointed education secretary, Leonor Briones, that

K-to-12 may advance his own vision of how to improve the education sector. He now has the opportunity to bring behind him the Education Nation that persuaded P-Noy to pursue the K-to-12 program.

SWS surveys during the latter years of the P-Noy administration showed the areas where the “bosses” gave it a poor performance rating. An unfulfilled promise, for instance, was the enactment of a Freedom of Information Act, a law which should strengthen Mr. Duterte’s expressed advocacy for transparency and his campaign against corruption.

SWS respondents were also critical of the glacial pace in the movement of the Ampatuan massacre judicial proceedings. In a recent speech at the turnover of the Philippine National Police command in Davao City, Mr. Duterte showed himself well-versed in the problems of local government officials who use their positions, especially their control of police and security forces, for criminal purposes.

There should be other issues that those who voted for Mr. Duterte and those who did not can identify as common concerns. These include the strengthening of the Reproductive Health Law and the prosecution of the Napoles and Makati City cases. It may be prudent for the new President to seek the harvest of low-hanging fruit around which the voters can rally, rather than on targeting controversial goals over which they can be expected to divide.

—–

Matatayog na Pag-asa

Naging paruparo na nga ba ang uod? Nawa’y nagbabadya na nga ng simula ng pagbabago ang talumpati sa inagurasyon ng pangulo. Nagiging higit nang pangulo ang kandidato.

Sinamantala ng mga estratehista ng eleksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang galit na naipon mula sa deka-dekadang kabiguan ng gobyerno na tugunan ang mga pangunahing pangangailangan. Pinag-alab at pinatindi nila ang galit na ito hanggang sa kasukdulan sa pamamagitan ng kampanya ng sadyang kagaspangan at karahasan sa pananalita, at ibinato ito sa mga kalaban sa pulitika, lalo na ang nasa poder, bilang ipinagpapalagay na pinagmulan ng pagdurusa ng madla ngayon, samantalang ang ugat ng pagdurusang ito ay matagal nang naitanim bago pa magsimulang manungkulan ang mga ito.

Nagtagumpay nang lubos ang estratehiya—pinakilos ang di-nagpakilala at di-mapatunayang haka-haka sa social media upang lampasuhin ang higit na masusing panananaliksik ng agham-panlipunan, at idiniin ang ideya ng pambansang krisis na humihingi ng pamamahala ng isang malakas at makapangyarihang pinuno. Binagabag ng kuwentong ito ang mga sumusunod sa mga survey ng Social Weather Station (SWS) na nag-ulat ng mga positibong approval score para sa pangkalahatang nagawa ng administrasyon at ng di-mapantayang taas ng moral ng publiko sa pagtatapos ng termino ng isang pangulo.

Di-umano, ang dumi ng bunganga, at hampaslupang estratehiya, ay ginawa lamang para sa kampanya. Naunawaan ng mga gumawa nito na anumang naging mabisa sa pagpapasabik at pag-akit sa mga botante ay makahahadlang sa matinong paglutas ng mga problema, sa pagbuo ng mga pangmadlang patakaran, at sa pagkamit ng mabuting pamamahala.

Ngayong nakamtan na niya ang pinakamalaking premyo, maaari nang magpakita ng kagandahang-loob si G. Duterte; hindi na niya kailangang magpasan ng sa balikat ng ganoong kalaking bato. Kahit ang mga nagpahayag ng masidhing pagdududa tungkol sa pagiging pangulo ni G. Duterte ay matinding umaasa na magtagumpay siya. Alam nilang hindi nararapat sa bansa ang anim na taong walang direksyon o ang pagsugal nang kagyat sa mga masigalot na pagtatayang pulitikal.

Naging pangulo si G. Duterte hawak ang mga bentaheng hindi natamasa ng sinumang pangulo nitong mga nakaraang dekada. Ang malawak na popularidad, na ipinamalas ng malaking lamang ng boto sa kanyang mga kalaban, ay nagbibigay sa kanya ng di-mapasusubaliang mandatong mamahala. Nagbunga din ito sa pagbuo ng isang masunuring supermayoridad sa Kongreso dahil ikinatwiran ng mga pulitiko ang malaking lamang na ito para lumipat ng partido.

Kaunti lamang sa papasok na administrasyon ang nagdidiin sa pangatlong mahalagang bentahe na kinilala ni Sonny Dominguez, ang naatasang kalihim ng pananalapi: pamamahalaan ni G. Duterte ang isang maunlad na ekonomiya. Mamanahin niya ang isang ekonomiya na nakapagtala ng taun-taong 6.2 porsiyentong paglago ng GDP sa administrasyong nauna sa kanya, ang pinakamatayog na naabot sa rehiyon, kasunod ng Tsina.

Marami pang dapat gawin, ngunit kinikilala ng mga obhetibong tagapagmasid na nasimulan nang tugunan ng administrasyong Pnoy ang pagtugon sa mga alalahanin tungkol sa sistematikong kabulukan sa burukrasya na umantala sa pagpapatupad ng mga proyektong publiko-pribado. Inaasahan ng madla ang kagyat na pagkilos ng administrasyong Duterte, lalo na’t hindi ito nagkukulang sa mga proyektong aani ng suporta na kahit 60 porsiyento lamang ng mga botanteng hindi bumoto sa kanya.

Sapat ang naghihintay ng tuon ng administrasyong Duterte, pagkaraang maharap ang di-maiiwasang komplikasyon ng yugto ng transisyon at ang pagpapabilis ng pagkilos ng binuo nitong burukrasya. Sadyang nagtatampok ang kampanya ng halalan ng pagkakaibang puti at itim ng mga kandidato upang maipakita nang malinaw ang lakas ng isa at ang kahinaan ng iba. Ngunit may sapat na pagtatagpo ang mga layunin sa pamamahala ng mga administrasyong paalis at parating. Dapat maitulak nito si G. Duterte na gamitan ang anumang nakamit na tagumpay ng paalis na administrasyon bilang plataporma para mapabilis ang pagkumpleto sa mga hindi nito nagawa.

Pagkaraan ng anim na taong paghahanda, kailangan ng programang K-to-12, isamg mahalagang adbokasiya ng administrasyong Pnoy, ang patuloy na pagtataguyod. Anumang ang panimula niyang agam-agam tungkol dito, natanggap na ni G. Duterte, pagkaraan ng mga pagsangguni sa mga nagsimula nito at sa naatasang kalihim ng edukasyon na si Leonor Briones, na maisususulong ng K-to-12 ang sarili niyang simulain sa pagpapabuti ng sektor ng edukasyon. Nasa kanya ngayon ang oportunidad na makuha ang suporta ng Education Nation na nakahimok kay Pnoy na itaguyod ang programang K-to-12.

Ipinakita ng mga SWS survey nitong mga huling taon ng administrasyong Pnoy kung saan-saang aspeto binigyan ito ng mga “boss” ng mababang performance rating. Halimbawa ang di-natupad na pangakong pagsasabatas ng Freedom of Information Act na makapagpapatatag sa inihayag na adbokasiya ni G. Duterte para sa bukas na impormasyon at sa kanyang kampanya laban sa korupsiyon.

Binatikos din ng mga sumagot sa SWS sa napakabagal na pag-usad ng kaso ng masaker sa Ampatuan. Sa kamakailang talumpati sa paglilipat ng Philippine National Police command sa Lungsod ng Davao, ipinamalas ni G. Duterte kung gaano niya kaalam ang mga problema ng mga opisyal sa gubyernong lokal na ginagamitang kanilang posisyon, lalo na ang kontrol nila sa mga puwersa ng polisya at seguridad, para sa mga layuning kriminal.

May iba pang mga usapin na maituturing na kapwa alalahanin ng mga bumuto kay G. Duterte at ng mga hindi bumoto sa kanya. Kabilang dito ang pagpapalakas sa Reproductive Health Law at ang prosekusyon ng mga kasong Napoles at Lungsod ng Makati. Mas mainam marahil paras sa bagong Pangulo na anihin ang mga bungang madaling maabot na mapagkakaisahan ng mga botante, kaysa puntiryahin ang mg kontrobersiyal na layunin na maasahang maghihiwa-hiwalay sa kanila.

Edilberto de Jesus
Edilberto de Jesus is a former Secretary of Education. He is also professor emeritus at the Asian Institute of Management.