‘If I had a hammer’” was first published in the Philippine Daily Inquirer on September 3, 2016. (Pilipino version: “Pukpok nang Pukpok“)

Someone with only a hammer for a tool may be tempted to treat every problem as a nail. His election as president provides PRRD with many hammers. But the presidency offers many more instruments beyond the hammer to address the complex task of nation-building.

Because it seems to have worked in Davao, the hammer strategy of “shoot to kill” remains PRRD’s favored device for dealing with the drug menace. But other cities have reportedly managed to control criminality while observing constitutional rights to due process. The summary killing of suspects by government forces arguably undermines the rule of law and contributes to a climate conducive to vigilante murders.

No one questions the need to dismantle the drug trade and demolish the network of narco-criminals among politicians, bureaucrats, judges and security forces who have profited from promoting its expansion. The public’s growing uneasiness about the means employed to achieve the laudable ends of the war on drugs is not without basis. No country has eradicated the drug problem simply through the ruthless application of violence.

In a poor country, the drug trade partly stems from the problem of poverty. The poor apparently resort to low-dose, low-cost “shabu” sachets to dull hunger pangs and boost energy for physical labor. Their need creates a shadow economy yielding princely profits to those who organize and finance the trade, while luring the poor into serving as drug pushers.

As in other countries, the “shock and awe” impact of the hammer strategy initially produced encouraging results. But even the death of drug lords barely shakes the business. Two months after the killing of Jeffrey “Jaguar” Diaz by Las Piñas police, according to the Philippine Drug Enforcement Agency in the Central Visayas, his drug syndicate was back supplying consumers in the Cebu city jail. Violence directed at replaceable, penny-ante addicts at the street level is even less likely to threaten the trade.

Frustration with the weaknesses of the justice system has muted resistance to the hammer strategy, justified as required by the epidemic spread of the addiction to dangerous drugs. Are those who reject the shoot-to-kill strategy underestimating the scale and the gravity of the drug threat?

Since 1986, Social Weather Stations (SWS) has included in its regular surveys perceptions of public safety as a critical quality-of-life measure. Monitored quarterly since 1992, one module inquires into the respondents’ actual experience of crime (burglary of the home and robbery outside the home; theft of motor vehicle; physical violence). A second looks at anxiety about the safety of the home and the neighborhood.

In 2005, SWS added a third module, asking whether respondents believed there were already “too many people addicted to banned drugs” in their neighborhood. This first survey elicited a 37-percent agreement with the statement. Agreement rose to the 40s in 2006-08, dropped back to the 30s in 2009, before climbing back to the 40s in 2012 and recently exceeding 60 percent.

The upward trend is cause for concern, though the drug war itself might have contributed to the perception of rising drug addiction prevalence. But it should also be assessed in the context of the movement in the other two public safety modules.

The government has not achieved much success in alleviating people’s apprehensions about home and neighborhood security. Over the last three decades, some 50 percent and, more recently, over 60 percent of the respondents reported that they feared to walk around the neighborhood at night and were concerned about criminals breaking into their homes.

On the actual experience of crime, however, the numbers have been running in the opposite direction. During the Cory Aquino administration, 23 to 38 percent of families reported that they were crime victims. The numbers progressively improved until they reached the lowest figure of 6 percent in mid-2015, but crept back during the period of the presidential electoral campaign to 11 percent.

The trend lines on the three modules of public safety do not appear to move in synchronized, lock-step fashion. Despite lower public concern about the drug problem, the feeling of insecurity stayed at high levels. While the number actually victimized by crime has been going down, anxiety about security and the incidence of addiction prevailed.

These numbers need validation and assessment before we can accept the contention that the country confronts a “crisis.” This narrative of a society in crisis that needed an iron hand at the helm worked effectively during the electoral campaign. The same script now seeks to strengthen the hammer strategy by a 300-percent increase in the confidential and intelligence budget from P500 million to P2 billion.

The financial and human costs of the strategy call for subjecting the script to a thorough review and analysis.

—–

Pukpok nang  Pukpok

Sinumang martilyo lamang ang magagamit ay matutuksong ituring ang bawat problema bilang isang pako. Ang eleksyon niya bilang pangulo ay nagbigay kay PRRD ng maraming martilyo. Ngunit napakarami pang kagamitan na higit sa martilyo ang iniaalok ng pagkapangulo para tugunan ang masalimuot na gawain ng pagbuo ng bansa.

Dahil tila umubra ito sa Davao, ang estratehiya ng martilyo na “shoot to kill” ay nananatiling paboritong paraan ni PRRD sa pagtutok sa banta ng droga. Ngunit naiulat na ang nakayang kontrolin ng ibang lunsod ang kriminalidad samantalang umaayon sa karapatang konstitusyunal para sa prosesong legal. Ang pagpatay ng mga puwersa ng gobyerno sa mga pinaghihinalaan nang walang sapat na imbestigasyon ay maikakatuwirang bumabale-wala sa batas at nakaaambag sa klimang bukas sa pagpatay ng mga vigilante.

Walang tumatanggi na kailangang buwagin ang negosyo ng droga at wasakin ang sabwatan ng mga narco-criminal sa hanay ng mg politiko, burukrata, huwes, at mga puwersang panseguridad na nanagana sa pagsusulong ng paglawak nito. Hindi masasabing walang batayan ang lumalagong pagkabagabag ng madla sa mga paraang gingamit para matupad ang mga kapuri-puring layunin ng giyera laban sa droga. Walang bansang nakapuksa sa problema ng droga sa pamamagitan lamang ng walang-awang paggamit ng dahas.

Sa isang mahirap na bansa, nakaugat din ang paglaganap ng droga sa kahirapan. Lumalabas ng bumabaling ang mahihirap sa shabung hindi puro at hindi mahal para mamanhid sa gutom at magkalakas para sa gawaing pisikal. Lumilikha ang mga pangangailangan nila ng tagong ekonomiya na nagbibigay ng malaking kita sa mga nag-oorganisa at namumuhunan sa negosyo ng droga, samantalang inaakit ang mga mahihirap na magtulak ng droga.

Tulad ng nangyari na sa ibang bansa, nagkaroon, sa simula, ng bisa ang panggulat ng estratehiyang martilyo. Ngunit kahit ang kamatayan ng mga drug lord ay bahagya nang nakatinag sa negosyo. Dalawang buwan makaraang patayin si Jeffrey “Jaguar” Diaz ng pulisya ng Las Pinas, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency sa sa Gitnang Bisayas, bumalik sa pagbebenta ng droga ang kanyang sindikato sa Cebu city jail. Lalong hindi banta sa negosyo ang karahasang nakatuon sa madaling palitan, at pipitsuging mga adik sa tabi-tabi.

Napatahimik ang pagtutol sa estratehiyang martilyo ng kabiguan dulot ng kahinaan ng sistema ng hustisya, at pinangangatuwiranang kinakailangan ng mala-epidemyang pagkalat ng pagkagumon sa droga. Minamaliit ba ng mga laban sa estratehiyang “shoot-to-kill” ang lawak at bigat ng banta ng droga.

Mula pa noong 1986, isinama na ng Social Weather Station (SWS) sa regular nitong mga survey ang pagtingin sa kaligtasan ng madla bilang isang mahalagang pantimbang ng kalidad ng pamumuhay. Minamatyagan na mula pa noong 1992 ng isang bahagi ng survey ang mismong karanasan ng mga sumasagot sa survey sa krimen (pagnanakaw sa bahay at sa labas nito; pagnanakaw ng sasakyan; karahasang pisikal. Ang isa pang bahagi’y tumitingin sa pagkabalisa tungkol sa kaligtasan ng tahanan at kapitbahayan.

Noong 2005, nagdagdag ng pangatlong bahagi ang SWS, at nagtanong kung naniniwala ang mga sumasagot na “labis nang marami ang mga lulong sa bawal na gamot” sa kanilang kapit-bahayan. May 37 porsiyentong sumang-ayon dito sa unang survey. Umakyat sa mga 40 porsiyento ang sumang-ayon noong 2006-08; bumaba ito sa mga 30 noong 2009, bago tumaaas muli sa mga 40 noong 2012, at kamakailan ay lumampas sa 60 porsiyento.

Nakababagabag ang pagtaas na ito, kahit na maaaring ang mismong giyera laban sa droga ang nakaambag sa paniniwalang lumalaganap ng ang pagkalulong sa droga. Ngunit dapat din itong suriin sa konteksto ng galaw sa dalawang ibang bahagi tungkol sa kaligtasan ng madla.

Hindi malaki ang tagumpay ng gobyerno sa pagpapababa ng alalahanin ng mga mamamayan tungkol sa seguridad ng kanilang mga tahanan at kapit-bahayan. Sa nakaraang tatlong dekada, mga 50 porsiyento, at nitong kamakailan lamang, mahigit sa 60 porsiyento ng mga tumugon ang nag-ulat na natatakot silang maglakad sa kanilang kapit-bahayan sa gabi at nag-aalala sila na pasukin ng mga kriminal ang kanilang tahanan.

Sa mismong karanasan ng krimen, gayunpaman, kabaligtaran ang galaw ng mga porsiyento. Noong administrasyon ni Cory Aquino, 23 hanggang 38 porsiyento ng mga pamilya ang nag-ulat na naging biktima sila ng krimen. Bumuti ang mga bilang hanggang umabot sa pinakamababang 6 na porsiyento noong kalagitnaan ng 2015, ngunit gumapang muling pataas hanggang11 porsiyento noong panahon ng halalalan sa pagkapangulo.

Mukhang hindi nagkakasabay-sabay at nagkakahanay ang linya ng mga porsiyente sa tatlong bahagi. Sa kabila ng mas mababang pag-aalala ng madla tungkol sa problema ng droga, nanatiling mataas ang antas ng damadamin ng kawalang-seguridad. Samantalang bumababa ang bilang ng mga nabibiktima ng krimen, nananaig ang pagkabahala tungkol sa seguridad at adiksyon.

Kailangang mapatunayang tama at masuri ang mga bilang na ito bago natin matanggap na talagang humaharap ang bansa sa isang “krisis”, Ang salaysay na ito ng lipunang may krisis na nangangailangan ng kamay na bakal ng pinuno ay naging mabisa noong panahon ng kampanya. Ang ganito ring dula ay naghahangad na mapatatag ang estratehiya ng martilyo sa pamamagitan ng 300 porsiyentong dagdag sa confidential at intelligence budget mula P500 million tungo sa P2 bilyon.

Dahil sa halagang pinansiyal at pantao ng naturingang estratehiya, nangangailangan ng masusing pag-aaral at pagsusuri ang dulang ito.

Edilberto de Jesus
Edilberto de Jesus is a former Secretary of Education. He is also professor emeritus at the Asian Institute of Management.