Learning from mistakes” was first published in the Philippine Daily Inquirer on October 1, 2016. (Pilipino version: “Matuto mula sa mga Pagkakamali“)

Preferably, from mistakes committed and paid for by others. We should thus thank Bangkok Post Deputy Editor Nopporn Wong-Anan’s who suggested that “Duterte should learn from Thai drug policy” in his article I caught during a Bangkok visit last month. In Manila recently for a media conference, Nopporn found similarities in the anti-drug policies followed by President Rodrigo R. Duterte and former Thai Prime Minister Thaksin Shinawatra.

The parallels were obvious. Thaksin was equally disdainful of the United Nations, which had expressed concerns about the conduct of the “war on drugs” he had launched in 2003: “The UN is not my father.” The rhetoric was comparable: “We have to be as ruthless with drug dealers as they are to our children.” Drug dealers “deserved” to be shot dead. The war claimed 2,800 deaths in the first three months of the campaign.

Nopporn cited an official investigation, after Thaksin’s ouster, which revealed that more than half of those killed had no drug connections. Many were victims of envious neighbors suspicious of their wealth or of existing feuds with police officers. Nopporn reported that “despite a decades-long campaign, narcotic drugs use shows no signs of abating in Thailand.”

Justice Minister Paiboon Kumchaya had also concluded that the war on drugs had failed. Imprisonment did not seem effective in curing addiction. Despite jailing some 250,000 of an estimated 1.3 million addicts, 70 percent of drug offenders remained in prison, and people still complained about drugs in their communities. Addressing drug abuse as mainly a criminal problem also compromised Thailand’s campaign against HIV. Fear of arrest and imprisonment prevented drug users from essential, harm-reduction treatment services.

At a recent forum on “Thailand’s Drug Policy Revisited,” convened by the Institute of Justice, Paiboon focused on drug abuse as a health issue, enlisting support from the Ministry of Health. Dr. Sophon Mekthon, Pemanent Secretary of Public Health, cited plans to implement three measures on the drug problem: 1) amending laws to encourage addicts to undergo rehabilitation; 2) improving the screening and rehabilitation of drug abusers; and, 3) increasing the number of service points at tambon (barangay) level where yaba (amphethamine or shabu) users can seek help.

As part of the policy shift, Paiboon is coordinating with the Ministry of Health for the downgrading of yaba to Category 2 in the dangerous narcotics list. Private possession and use would still be illegal but would be subjected to reduced penalties. The reclassification would also permit the government, instead of destroying confiscated yaba, to use it for treatment under medical supervision.

A lucrative market for illegal drugs makes the trade difficult to stop. According to the Office of the Narcotics Control Board, nearly two million Thais consume up to four billion yaba tablets a year. A manufacturing base in a neighboring country could produce at least one billion tablets a year – half of which were smuggled into Thailand, with about 20 per cent or some 100 million pills seized by authorities.

Thus, Paiboon also wants to deploy an economic weapon in the drug war. He is proposing that the Food and Drug Administration produce the non-narcotic wakefulness-promoting agents modafinil at armodafinil as part of “harm reduction” measures. These substances would cost only 34 baht (US$1) per pill compared to the yaba pill that costs 200 baht (US$5.88) in the illegal market. Competition could further reduce amphetamine prices to 5-10 baht per pill. Paiboon believes that this drop would make the illegal drug business unprofitable. He is also prepared to consider removing marijuana and cannabis from the narcotic list as they could be classified as medicinal herbs.

PRRD has already acknowledged the international dimensions of the drug problem. Thailand and the Philippines differ in language, religion, institutions and culture. These differences should not prevent our learning from each other’s experiences in confronting a common drug problem.

The lessons drawn from Thaksin’s anti-drugs policy come from sources that PRRD should find credible. A career military man, Gen. Paiboon had been a candidate to head the Thai Army and has also faced criticism for alleged violation of human rights. He had supported the junta’s zero-tolerance policy on drug offenders, until responsibility for dealing with the drug issue apparently prompted a change of strategy.

It was Thaksin’s popularly elected, civilian government that launched a violent war on drug criminals. With vastly greater weapons for that war, a military junta is now deliberately moderating the use of violence and shifting the drug policy from a mainly police perspective. Its pragmatic approach to the problem, calculating the costs and benefits of conducting the war, has led it to a more holistic approach that recognizes drugs as a health and social problem.

PRRD should have no qualms about learning from Thailand’s failed drug policy.

—–

Matuto mula sa mga Pagkakamali

Mas mabuti kung mula sa mga pagkakamali na ginawa at pinagbayaran ng iba. Kaya dapat nating pasalamatan si Nopporn Wong Anan, ang Bangkok Post Deputy Editor, na nagmungkahi na “dapat matuto si Duterte mula sa patakaran sa droga ng Thailand” sa kanyang artikulong nabasa ko noong bumisita ako sa Bangkok nitong nakaraang buwan. Noong nasa Maynila siya kamakailan para sa isang pulong ng media, nakakita si Nopporn ng mga pagkakatulad sa mga patakaran laban sa droga ni Pangulong Rodrigo R. Duterte at ng dating Punong Ministro ng Thailand na si Thaksin Shinawatra.

Malinaw ang mga pagkakatulad. Galit din si Thaksin sa United Nations, na nagpahayag ng pagkabahala tungkol sa “giyera laban sa droga” na inilunsad niya noong 2003: “Hindi ko ama ang UN.” Mapaghahambing ang kanilang mga pananalita: “Dapat tayong maging malupit sa mga nagbebenta ng droga, tulad ng kalupitan nila sa ating mga anak.” “Nararapat” na barili’t patayin ang mga nagbebnta ng droga. Nagbunga ng 2,800 patay ang giyera sa unang tatlong buwan ng kampanya.

Binanggit ni Napporn ang opisyal ng imbestigasyon, pagkaraang mapatalsik si Thanksin, na nagsiwalat na mahigit sa kalahati ng mga pinatay ay walang kaugnayan sa droga. Marami ay biktima ng mga naiinggit na kapitbahay na pinagdududahan ang kanilang yaman o ng mga away sa mga opisyal ng pulis. Iniulat ni Nopporn na “sa kabilan ng ilang dekadang kampanya, walang nakikitang pagbawas sa paggamit ng droga sa Thailand.”

Natuklasan din ni Paiboon Kumchaya, Ministro ng Katarungan, na nabigo ang giyera laban sa droga. Lumalabas na hindi mabisa ang pagkakakulong sa paggamot sa adiksyon. Sa kabila ng pagkukulong sa mga 250,000 ng tinatayang 1.3 milyong adik. 70% ng mga nagkasalang kaugnay sa droga ang nanatili sa bilangguan, at patuloy na nagreklamo ang mga tao tungkol sa droga sa kanilang mga komunidad. Nakompromiso rin ng pagtugon sa pang-aabuso sa droga bilang problemang kriminal ang kampanya ng Thailand laban sa HIV. Dahil sa takot na maaresto at mabilanggo, umiwas ang mga nagdodroga sa mga serbisyong panggamot na mahalaga at nakababawas ng pinsala.

Sa nakaraan lamang na pulong na “Thailand’s Drug Policy Revisited” na binuo ng Institute of Justice, nagtuon si Piboon sa pag-abuso sa droga bilang isang usapin ng kalusugan, at hiniling ang tulong ng Ministry of Health. Inihayag ni Dr. Sophon Mekthon, Permanent Secretary of Public Health, ang mga plano para isakatuparan ang tatlong hakbang bilang tugon sa problema ng droga: 1) pag-amyenda ng mga batas upang mahikayat ang mga adik na pumasok sa rehabilitasyon; 2) pagpapabuti sa pagkilala at rehabilitasyon ng mga umaabuso sa droga; at, 3) pagpaparami sa mga pook ng serbisyo at sa tambon (barangay) na mahihingan ng tulong ng mga gumagamit ng yaba (ampethamine o shabu).

Bilang bahagi ng bagong patakaran. nakikipag-ugnay si Paiboon sa Minister of Health para sa pagpapababa ng yaba tungo sa Categoty 2 sa listahan ng mga mapanganib na droga. Mananatiling ilegal ang pribadong pag-aari at paggamit ngunit bababaan na ang parusa dito. Ang bagong klasipikasyon ay magpapahintulot sa gobyerno na gamitin sa paggamot sa ilalim ng pamamahalang medikal, sa halip na ibasura, ang mga nakumpiskang yaba.

Mahirap sugpuin ang kalakalan dahil masigla ang merkado para sa drogang ilegal. Ayon sa Office of the Narcotics Control Board, halos dalawang milyong Thai ang kumukunsumo ng aabot sa apat na bilyong tabletas ng yaba taun-taon. Ang isang pabrika sa kalapit na bansa ay makakagawa ng hindi bababa sa isang bilyong tabletas taun-taon–ang kalahati’y ilegal na ipinapasok sa Thailand, at mga 20% o mga 100 milyong pilduras ang nakukumpiska ng mga autoridad.

Kaya nga nais din ni Paiboon na magkaroon ng sandatang ekonomikal sa giyera sa droga. Iminumungkahi niya na gumawa ang Food and Drug Administration ng di-narkotikong pampagising na modafinil at armodafinil bilang bahagi ng mga hakbang sa “pagbawas sa pinsala.” Ang mga ito’y magkakahalaga lamang ng 34 baht (US$1) bawat pilduras kung ihahambing sa pilduras na yaba na nagkakahalaga ng 200 baht (US$5.88) sa ilegal na merkado. Mapapababa rin ng kompetisyon ang halaga ng ampethamine sa 5-10 baht bawat pilduras. Naniniwala si Paiboon na dahil sa pagbagsak na ito ng presyo, hindi na kikita ang negosyo ng ilegal na droga. Handa rin siyang isaalang-alang ang pagtatanggal sa marijuana at cannabis mula sa listahan ng narkotiko dahil maituturing ang mga ito bilang panggamot.

Inamin na ni PRRD na may dimensyong internasyonal ang problema ng droga. Magkaiba ang wika, relihiyon, mga institusyon, at kultura ng Thailand at Pilipinas. Ang mga pagkakaibang ito’y hindi dapat humadlang na matuto tayo mula sa mga karanasan ng bawat isa sa pagharap sa iisang problema ng droga.

Ang mga aral mula sa patakarang laban sa droga ni Thaksin ay mula sa mga ulat na dapat paniwalaan ni PRRD. Isang propesyunal na militar, si Gen. Paiboon ay naging kandidato nang maging pinuno ng Thai Army at humarap na rin sa mga kritisismo para sa i-umano’y paglabag sa mga karapatang pantao. Sinuportahan niya ang patakarang zero-tolerance sa mga nagdodroga, hanggang sa mabago ang kanyang estretahiya ng responsibilidad niya sa pagharap sa usaping droga.

Ang pamahalaang sibilyan ni Thaksin, na naihalal ng karamihan ng mga mamamayan, ang naglunsad ng marahas na digmaan laban sa mga kriminal na sangkot sa droga. Samantalang may higit na mga makapangyarihang sandata para sa giyerang ito, sadyang binabawasan ng military junta ang paggamit ng dahas at ibinabaling nito ang patakaran sa droga palayo sa pananaw na nakatuon sa pulisya. Ang pragmatikong paglapit nito sa problema, na kumakalkula sa pinsala at benepisyo ng pagsusulong sa giyera, ay nagdala dito sa isang higit na malawakang paglapit na kumikilala sa droga bilang problema ng kalusugan at lipunan.

Dapat ay hindi magdalawang-isip si PRRD na matuto sa nabigong patakaran sa droga ng Thailand.

Edilberto de Jesus
Edilberto de Jesus is a former Secretary of Education. He is also professor emeritus at the Asian Institute of Management.