Between a rock and hard place …” was first published in the Philippine Daily Inquirer on November 5, 2016. (Pilipino version: “Nasa Pagitan ng Nag-uumpugang Bato“)

Is where the Supreme Court justices find themselves. Expected in September to rule on the interment of Ferdinand Marcos’ remains in the Libingan ng mga Bayani, they set the issuance of their ruling to October, and then to Nov. 8.

Shortly after assuming power, PRRD directed the military to prepare for the Marcos burial in the Libingan, an order forestalled by an appeal lodged at the Supreme Court. He has since said he would accept the high court’s verdict.

Notwithstanding this assurance, it is imprudent, even for members of a coequal branch of government, who presumably know the law as well as PRRD, to defy the decision of a popular president. But can they render, in deference to the President, a judgment whose wisdom future generations of lawyers will question and that will indelibly mark their respective places in the history books?

The agreement that allowed the Marcos family’s return to the Philippines included the condition that Marcos’ remains stay in his region. PRRD believes he can rescind this agreement, arguing that the Libingan, which had been established for soldiers and presidents, should make room for Marcos, who had served as both.

Will the Supreme Court now affirm that anyone who served in the military can demand Libingan interment as a right? Given the costs of dying these days, every soldier should make a bid for Libingan real estate. But surely, the Libingan was meant for those who had served the country with distinction. Or, at least, had not caused it injury and shame. Declining entry to infamous criminals should be reasonable.

That Marcos should be considered innocent of the crimes alleged against him, because he had not been convicted in a Philippine court, should carry little weight with PRRD. Risking extrajudicial executions, he has unleashed the police against drug offenders he feared the courts could not touch. But a US court has convicted Marcos for martial law atrocities and plunder. Filipino and foreign historians have also exposed to the world his fraudulent claims of heroism. Can the Supreme Court turn a blind eye to this public record?

PRRD has virtually admitted that a Libingan interment was part of the price for the Marcoses’ electoral support. Nevertheless, the justices must still evaluate his claim that the bargain he made will also bury the controversies over martial law, unite the country, and allow it to move forward.

How many living today know about the 1906 US massacre of Muslim rebels at Bud Dajo from a contemporary of the victims? But PRRD, who has shown a commendable sense of history, has neither forgotten nor forgiven the Americans for this century-old atrocity. Dredging out of the blue an incident that had not surfaced as a public policy issue, PRRD denounced the Americans for never having expressed remorse over the historical injustice committed at Bud Dajo.

Martial law is not just a historical issue. Its living victims feel as a present reality the injustice they suffered that has not been redressed. But PRRD, who feels the historical injustice of Bud Dajo so keenly, now wants these martial law survivors to forget the injustice they continue to suffer, for which the Marcoses have never offered restitution as authentic remorse. The victims include the country whose plundered wealth the government continues to seek and from which the Marcoses continue to benefit.

A Libingan burial for Marcos will reinforce attempts to revise history: to persuade the people that Marcos ushered in a golden age of progress and prosperity. If so, his overthrow at Edsa, which the world celebrated with the Philippines and which we annually commemorate, was a misfortune and a mistake. How will propagating this narrative unify the country?

The Supreme Court justices, by their ruling, will make a judgment on our history. In turn, history will make a judgment on their decision and its reflection on their wisdom, their integrity, their courage.

—–

Nasa Pagitan ng Nag-uumpugang Bato

Ang mga mahistrado ng Korte Suprema. Inasahan silang magpasya tungkol sa paglilibing ni Marcos sa Lbingan ng mga Bayani (LMB), ngunit ipinagpaliban nila ang desisyon mula Oktubre 8 sa Nobyembre 8.

Sandali lamang pagkaraang maging pangulo, inutusan ni PRRD ang militar na maghanda para sa paglibing kay Marcos sa LMB, isang utos na ipinagpaliban ng apela sa Korte Suprema. Sinabi ni PRRD na tatanggapin niya ang hatol ng Korte Suprema.

Sa kabila ng pagtiyak na ito, tila laban sa wisyo kung ang kahit mga kasapi ng kapantay na sangay ng pamahalaan, na ipinagpapalagay na nalalaman ang batas tulad ni PRRD, ay sumuway sa pasya ng isang popular na pangulo. Ngunit makapaghahain ba sila ng hatol, bilang pagpaparaya sa pangulo, na ang katinuan ay hahamunin ng mga darating na henerasyon ng abugado at magtatakda ng kanilang mga lugar sa mga aklat ng kasaysayan?

Kabilang sa kasunduan na nagpahintulot sa pamilya Marcos na bumalik sa Pilipinas ang kondisyon na mananatili sa kanyang rehiyon ang mga labi ni Ferdinang Marcos. Naniniwala si PRRD na mapapawalang-bisa niya ang kasunduang ito ng argumentong ang LMB, na itinatag para sa mga sundalo at pangulo, ay dapat magkalugar para kay Marcos, na naging sundalo at pangulo.

Itatakda ba ngayon ng Korte Suprema na sinumang naging militar ay makakapagdiin na mailibing siya sa LMB bilang isang karapatan? Kung isasaalang-alang ang halaga ng pagkamatay sa panahong ito, bawat sundalo ay dapat humiling ng lugar sa LMB. Ngunit tiyak namang ang Libingan ay para lamang sa mga naglingkod nang katangi-tangi sa bayan. O iyong man lamang hindi nagdulot dito ng pinsala at kahihiyan. Makatwiran nang tanggihan ang paglilibing dito ng mga pusakal na kriminal.

Hindi dapat gaanong pahalagahan ni PRRD ang paniniwalang dapat ituring na walang-sala sa mga krimeng ipinaratang sa kanya dahil hindi siya napatunayang maysala sa anumang korte sa Pilipinas. Sa kabila ng maaring iparatang sa kanyang extra-judicial killing, ipinaubaya niya sa kapulisan ang mga sangkot sa droga na ikinatakot niyang hindi masasaling ng mga korte. Ngunit may korteng Amerikano na nagpasyang nagkasala si Marcos ng mga kabuktutan noong panahon ng batas militar at ng pandarambong. Isiniwalat na rin sa daigdig ng mga historyador na Pilipino at dayuhan ang huwad niyang paggigiit ng kabayanihan. Maisasa-isantabi ba ng Korte Suprema ang pampublikong rekord na ito?

Hindi maitatawang inamin na ni PRRD na ang paglilibing sa LMB ay bahagi ng presyo ng suporta ng mga Marcos sa kanya nitong nakaraang eleksyon. Gayunpaman, dapat pa ring timbangin ng mga mahistrado ang paggigiit niya na ang pakikipagkasundo niyang ito ay maglilibing din sa mga kontrobersiya tungkol sa batas militar, magbubuklod sa bansa, at magpapahintulot ditong sumulong.

Ilang mga nabubuhay pa ang may alam, mula sa kapanahon ng mga biktima, tungkol sa masaker ng mga Amerikano ng mga rebeldeng Muslim sa Bud Dajo noong 1906? Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin napapatawad ni PRRD, na nagpamalas ng kapuri-puring dunong tungkol sa kasaysayan, ang mga Amerikano para kabuktutang isang siglo na mula nang naganap? Sa paghahalukay mula sa kung saan ang isang pangyayaring hindi kailanman lumitaw bilang usaping ng patakarang pampubliko, tinuligsa ni PRRD ang mga Amerikano dahil hindi sila kailanman humingi ng tawad para sa makasaysayang kawalang-katarungan na naganap sa Bud Dajo.

Hindi lamang usapin sa kasaysayan ang batas militar. Nadarama ng mga buhay pang biktima ng batas militar bilang katotohanan ng kasalukuyan ang kawalang-katarungang pinagdusahan nila na hindi pa naitutuwid. Ngunit ngayo’y nais ni PRRD, na marubdob na dinaramdam ang kawalang-katarungan sa Bud Dajo, na kalimutan ng mga biktima ng Batas Militar ang kawalang-katarungang patuloy nilang pinagdudusahan na kailanma’y hindi pa itinutuwid ng mga Marcos bilang tunay na pagsisisi. Kabilang sa mga biktima ang bansa na ang dinambong na yaman ay hinahabol pa rin ng gobyerno at tinatamasa pa rin ng mga Marcos.

Isusulong ng paglilibing kay Marcos sa LMB ang mga pagtatangkang baguhin ang kasaysayan; ang himukin ang mga mamamayan na maniwalang sinimulan ni Marcos ang isang ginintuang yugto ng kaunlaran at kasaganahan. Kung magkaganito, ituturing na mali at kasawiang-palad ang pagpapatalsik sa kanya sa EDSA, na ipinagdiwang nga daigdig kasama ang Pilipinas at taun-taon nating ginugunita. Paano mapagbubuklod ang bansa ng pagpapalaganap ng ganitong salaysay?

Sa paghatol ng Korte Suprema, hahatulan nito ang ating kasaysayan. At katapat nito, hahatulan ng Kasaysayan ang kanilang desisyon at ang pagsalamin nito ng kanilang wisyo, kanilang integridad, kanilang tapang. #

Edilberto de Jesus
Edilberto de Jesus is a former Secretary of Education. He is also professor emeritus at the Asian Institute of Management.