Drawing the line” was first published in the Philippine Daily Inquirer on March 4, 2017. Pilipino version: “Husto na” (Photo: Alfred Frias/PCOO)

“Kellyandanar” was coined to suggest that Martin Andanar, head of President Duterte’s Communications Operations Office, and Kellyanne Conway, counselor to US President Donald Trump, played comparable roles. The comparison was not complimentary.

Conway, Class 1989 of Trinity Washington University (TWU), is arguably the most prominent alumna today of this small (2,200 students) Catholic women’s institution. It was thus surprising that TWU president Patricia McGuire should publicly rebuke Conway for her “large role in facilitating the manipulation of facts….” Responding to critics of the US administration’s immigration polici/es, Conway had defended Trump with “alternative facts” that others would commonly call lies.

Universities are happy enough to acclaim alumni who ascend to positions of power and to bask in the honor they bring. They are less ready to acknowledge their black sheep. But what should universities expect from alumni who reach the highest ranks of government and can presumably influence its directions?

It would be unrealistic for universities to expect alumni to take senior appointments only in those administrations whose policies they support. Once appointed, alumni must place their talent and resources at the service of the president. It becomes their duty to advance their president’s policies, however repugnant these may be to their universities.

The role of projecting a president’s messages to the public implicates officials like Conway and Andanar in all presidential statements and actions. TWU drew the line; faithful service cannot be at the cost of betraying its bedrock values: “People can agree or disagree around national policy or domestic policy…. But when you lie so consistently as this administration does, that’s a moral issue. We are teachers…. We believe deeply in upholding the value of truth…. It’s urgent not to be shy about it.”

Other senior officials covering more specific, functional areas can closet themselves within the boundaries of their professional mandate, concentrating on goals supported by their constituencies. They can try to distance themselves from other aspects of governance that are not their direct concern and that they may privately oppose.

The silo strategy works—up to a point. Sectoral concerns will inevitably collide with each other. Policy decisions on environmental protection measures affect business operations and must concern economic ministers. Agencies responsible for health, education and the economy must consider the impact of the peace process or the law-and-order environment on their own goals.

Mr. Duterte’s war on drugs has been pursued mainly as a police and security issue. From the outset, the strategy had provoked public anxiety because it was anchored on a police force with a record marred by inefficiency and corruption. The killing of Mayor Rolando Espinosa in his jail cell, the brazen murder of Jee Ick-joo in Camp Crame, both perpetrated by police officers, have confirmed fears that the strategy would promote a climate of impunity.

Apart from expert and loyal service, senior government officials have a duty that presidents do not always appreciate: to caution them when policies threaten the violation of laws and fundamental constitutional and human rights. Raising the alarm on potential threats emerging from issues beyond their specific departmental responsibility is also their duty to the country and the people. At some point, inaction becomes complicity in these violations.

Determining the point where that line must be drawn is the difficult, personal decision each official must make. Despite the confessions of Matobato and Lascañas and close to 8,000 casualties in eight months, has any Cabinet member acknowledged the reality of EJKs and the risks of the war on drugs?

Universities that proclaim adherence to moral principles must also make their own judgment call on when to warn alumni, as TWU did, that they have crossed the line. Their willingness to do so may help the leaders they have educated locate the lines they must draw for themselves and renew their moral core.

Husto Na

Binuo ang ang pangalang “Kellyandanar” para ipahiwatig na pareho ang papel nina Martin Andanar, pinuno ng Communications Operations Office ni Pangulong Duterte, at ni Kellyanne Conway, counselor sa Pangulo ng Amerika na si Donald Trump. Hindi papuri ang paghahambing.

Masasabing si Conway, ng Klaseng 1989 ng Trinity Washington University (TWU), ang pinakatanyag ngayon na nagtapos sa maliit (2,200 mag-aaral) na itong pamantasang Katoliko para sa mga babae. Nakagugulat tuloy na hayagang tinuligsa ni Patricia McGuire, pangulo ng TWU, si Conway dahil sa “malaking papel nito sa pagpapadali ng pagmamanipula ng katotohanan…” Sa pagtugon nito sa mga kritiko ng mga patakaran ng administrasyon ng Amerika tungkol sa imigrasyon, ipinagtanggol ni Conway si Trump sa pamamagitan ng “alternative facts” na karaniwang tinutukoy ng iba bilang kasinungalingan.Maligaya ang mga unibersidad sa pagpuri sa mga nagtapos na tumutuntong sa mga posisyong makapangyarihan at sa pagtatamasa ng parangal na dulot nito. Hindi sila handang kilalanin ang kanilang itim na tupa. Pero ano nga ba ang dapat asahan ng mga unibersidad sa mga nagtapos na nakaabot sa pinakamatataas na posisyon sa gobyerno at pinaniniwalang maiimpluwensiyahan ang patutunguhan nito?

Hindi makatotohanan para sa mga unibersidad na umasang tatanggap lamang ang mga nagtapos sa mga administrasyong itinataguyod nila ang mga patakaran. Kapag naitalaga na sila, dapat ibuhos ng mga nagtapos ang kanilang talino at kakayahan sa paglilingkod sa pangulo. Tungkulin na nila na isulong ang mga patakaran ng kanilang pangulo, gaano man kasama ang tingin sa mga ito ng mga pinagtapusan nilang unibersidad.

Dahil tungkulin nila na iparating sa madla ang mga pahayag ng pangulo, kasangkot ang mga opisyal na tulad nina Conway at Andanar sa lahat ng mga pahayag at kilos ng pangulo. Ipinasya ng TWU na “husto na”; hindi maaaring isakripisyo ang matitibay nitong pinahahalagahan sa ngalan ng matapad na paglilingkod. “Maaaring magkasundo o magsalungatan ang mga tao sa patakarang pambansa o patakarang lokal… Pero kung paulit-ulit kang nagsisinungaling tulad ng pagsisinungaling ng administrasyong ito, usaping moral na ito. Mga guro tayo… Malalim ang paniniwala natin sa pagtataguyod ng halaga ng katotohanan… Kailangang hindi tayo maging kimi tungkol dito.”

Ang ibang matataas na opisyal na saklaw lamang ang higit na limitadong larangan ay makapagkukulong sa hangganan ng mandato ng kanilang propesyon, at makapagtutuon lamang sa mga layuning itinataguyod ng kanilang mga pinaglilingkuran. Masisikap nilang ilayo ang sarili sa ibang aspeto ng pamamahala na hindi nila tuwirang sagutin at maari pa ngang sinasalungat nila bilang indibidwal.

Maaari ang estratehiyang ito—ngunit may hangganan. Hindi maiiwasan na maging magkasalungat ang mga pinagtutuunan ng iba’t ibang sektor. Ang mga desisyon ayon sa patakaran tungkol sa mga hakbang pangangalaga ng kapaligiran ay may bisa sa mga operasyon ng pangangalakal at dapat pagtuunan din ng mga ministro ng ekonomiya. Dapat isaalang-alang ng mga ahensyang nananagot sa kalusugan, edukasyon, at ekonomiya ang bisa ng proseso ng kapayapaan o ang paraan ng pagpatupad ng batas at kaayusan sa mga nais nilang ipatupad.

Bukod sa dalubhasa at matapat na paglilingkod, may katungkulan ang mga matataas ng opisyal ng pamahalaan na hindi palaging napahahalagahan ng mga pangulo: ang balaan sila kapag ang mga patakaran nila ay nagbabanta ng pagsuway sa mga batas at sa mga saligang karapatang pantao ayon sa konstitusyon. Katungkulan din nila sa bayan at ma mamamayan na ihudyat ang babala tungkol sa mga maaaring ibanta ng mga usaping hindi na saklaw ng partikular ng pananagutan ng kanilang kagawaran. Dumarating ang punto na ang di-pagkilos ay nagiging pakikipagsabwatan sa mga paglabag na ito sa batas.

Mahirap maitakda kung kailan “husto na”, isa itong pagpapasya na dapat gawin ng bawat opisyal. Sa kabila ng pag-amin nina Matobato at Lascanas at ng halos 8.000 napatay sa loob ng walong buwan, may mga opisyal na ba ng kabinete na kumilala sa katotohanan ng EJK at ng mga panganib na kaakibat ng digmaan sa droga?

Ang mga unibersidad na nagpapahayag ng kanilang katapatan sa mga prinsipyong moral dapat ding magpasya kung kailan dapat balaan ang mga nagtapos sa mga ito, tulad ng ginawa ng TWU, na “husto na”. Ang kahandaan ng mga itong magpasya ay maaaring makatulong sa mga pinunong nag-aral sa mga ito na kilalanin ang hangganang dapat nilang itakda par a sa kanilang sarili at buhaying muli ang kalooban nilang matuwid.

Edilberto de Jesus
Edilberto de Jesus is a former Secretary of Education. He is also professor emeritus at the Asian Institute of Management.